Kabataang Pag-asa ng Bayan sa Panahon ng DotA (Talumpati sa panulat ni Julius Renomeron Jr.)


     Ok first post ko to in filipino. Project namin to sa Filipino course ko sa UST. Isang maikling talumpati for training sa future. Out of the 5 topics given ito yung pinaka-interesting para sa akin kasi for one may experience akong maglaro ng Dota at yes masasabi ko ring naging IMBA naren ako dati dito pero tinigilan ko lang kasi nakakasawa nga. Sa paglalaro ng DotA ako natutong tumakas ng school dati. Nakikisakay pa ko sa service ng mga kaibigan ko para lang maibaba ako sa CATHAY malapit sa FEHA noong second year high school. Kapag sa service ko kasi bawal papagalitan kasi yung driver. WALA PO KASING COMPUTER SHOP MALAPIT SA CAMPUS NAMIN BUNDOK PO KASI!

Medyo mahaba yung nasulat ko. By pairs kasi ako ang nagsulat tas partner ko magdedeliver sa harap ng class. Naawa ako sa partner ko kasi mahirap nga naman imemorize to within 5 days. May quizzes pa sila sa trigo kaya go figure. Numbers & letters combined is utter chaos. Don’t expect na malalim advised kasi na wag laliman yung composition. So eto yung view ko about DotA at sa kabataan ngayon.

“Sana lang ang pagkahumaling naming ito ay hindi makaapekto sa kalidad ng aming pagtatrabaho at panananaw sa buhay. Na hindi lahat ng pagkakataon sa buhay ay pedeng magkaroon ng rematch. Na ang pagkapanalo ay hindi nadadaan sa isang madugong trash talk at higit sa lahat hindi mo pwedeng laging sabihin na GG na sir.”

Kabataang Pag-asa ng Bayan sa Panahon ng DotA

     IMBA!, GG, RM at paminsan “Trash talk”. Yan ang mga salitang madalas marinig sa bawat computer shop na makikita mo rito sa Pinas. Adik kasi ang mga bata ngayon sa DOTA. Umaga, hapon, gabi at paminsan kapag walang pasok ay puyat kakalaro ng DotA.  Kahit wala pang almusal, kahit wala pang tanghalian at kahit wala pang ligo ay panay ang paglalaro ng DotA. Laman ng computer shop sa mga kanto, laman ng computer shop diyan sa may Dapitan. Huwag kayong magkaila karamihan dito sa klaseng ito ay nakapaglaro na ng DotA at parang parte na ng araw-araw na gawain ang paglalaro nito.

Ano nga ba ang DotA? Kung tutuusin isang custom map lang naman ito sa larong Warcraft 3 na isang sikat na real time strategy game lalong lalo na sa mga koreano. Sa laki na wala pang halos 10mb ay madadownload mo na ang DotA. Makapipili at makapaglelevel-up ka ng hero na gusto mo. Makapag-iipon at makapag-eekwip ng mga gamit upang mapalakas ang karakter mo at talunin ang kalabang grupo. Ang isang magandang laro ay madalas tumatagal ng hindi bababa ng 20 minutos at kung minsan ay may game 2 pa o game 3 o game 4 na siyang kumukunsumo ng napakaraming oras. Sa kalagitnaan ng isang nag-iinit na laro ay marami kang maririnig na mga salitang hindi na nga kanais nais ay ipagsisigawan pa sa tenga mo. Ito ay ang tinatawag nilang “pagtatrash-talk”. Hindi nga naman kasi kumpleto at masaya ang isang laro kung hindi mo naiintimidate ang mga kalaban mo.

Kung tatanungin mo ang mga kabataang lulong sa nakakaadik na larong ito kung anong magandang aral ang natututunan nila sa paglalaro nito, ang siguradong isasagot nila ay ang pag-iistrategy at teamwork. Ang pagpaplano ng mga taktika upang ma-ambush ang isa o napakaraming hero at ang pagtutulungan ng bawat isa upang maisagawa ito.  Ngunit sapat ba itong pag-iistrategy at teamwork upang magamit at maisabuhay ng mga kabataang sinasabing pag-asa ng bayan?

Hindi maipagkakailang ang pag-lalaro ng DOTA ay nakakaadik sa halos karamihan ng mga kabataan sa panahon ngayon. Sa maliit na halagang bente pesos ay maari ka na kasing makapaglaro ng isang oras sa computer shop na madalas na dahilan ng pagkakaubos ng baon ng mga bata sa eskuwela. Sa sobrang pagkakawili ay di narin namamalayan ang oras na kinukunsumo ng paglalaro na nagiging sanhi ng pagsasantabi ng mga gawain at hindi pagtapos ng mga ito. Ang mga homework ay madalas na hindi nagagawa sa oras at madalas na hindi nakakapasok sa mga klase dahil mas pipiliing maglaro kasama ang mga kaibigan sa computer shop.

Kung tutuusin ay mayroong kautusan na nagbabawal na magtayo ng computer shop malapit sa mga paaralan ngunit hindi naman ito nasusunod. Nakakatawa ngang isipin na kung saan pa may paaralan ay doon naman laganap at nagsusulputan ang napakaraming computer shop na ang kadalasang laman ay mga nagtutumpukang mga estuyante na imbes na gugulin ang oras sa pag-aaral sa mga nalalapit nilang exams ay mas pipiliin pang ubusin ito sa paglalaro. Kung ganitong eksena ang makikita mo araw-araw, ay parang nagdadalawang isip nako na kami nga ang pag-asa ng susunod na henerasyon.

Sa kabataan ngayon, hindi na ata sapat ang  pagsasabi  ng  “mag-aral ng mabuti”. Madaling sabihin pero ang gawin ito ay nangangailangan ng ibayong pagpupursigi at tiyaga. Sa dami kasi ng sagabal sa pag-aaral ngayon tulad ng DOTA, Internet at T.V., napakahirap na ifocus ang mga sarili natin sa iisang bagay lang. Kapag sobra ang pag-aaral ay ma-iistress ka. Kapag sobra naman ang paglalaro mo ay maaaring mapabayaan mo naman ang iyong pag-aaral at siyang maging dahilan upang bumaba ang mga grades mo. Ang lahat ng sobra ay masama, pede siguro nating ipasok ang pag-iistrategy dito. Pag-iistrategy hindi kung paano makapatay ng hero sa laro kung hindi kung paano mababalanse ang oras natin sa pag-aaral at paglalaro.

Kung ikaw naman ay maraming oras na bakante ay maari rin naman itong ilaan sa  pagsali sa mga grupo o organisasyong naglalayong tumulong sa mga higit na nangangailangan. Dito naman  maipapasok ang  balyu ng teamwork. Isang bagay rin na natututunan sa pag-lalaro ng DOTA. Ang pakikipagtulungan upang maiiangat ang estado ng isang bagay. Isang napakahalagang katangian na matutununan ng isang tao at nakakatuwang isipin na maari itong magsimula at makuha sa hamak na paglalaro lamang ng isang video game.

Naniniwala ako na kaming mga kabataan ang susi sa pag-unlad ng ating bayan sapagkat sa kami ang susunod na henerasyong  papalit sa kasalukuyan. Kami ang may potensyal na humubog ng isang bayan na sa ngayo’y puno ng kurapsyon at kasinungalingan. Sa pamumuhunan namin sa pag-aaral ay maaring isa sa amin dito ngayon ang maging susi ng pagbabago sa bansang Pilipinas.

May kasabihan nga na “Maaring iwanan ka ng girlfriend mo pero hinding hindi ng DOTA”. Hindi naman ganun ka perpekto ang larong DOTA sa totoo lang at mas lalong hindi ito habang buhay na nandyan . May kakaibang lasa lang talaga siguro ang larong ito kaya pumapatok sa mga kabataang Pilipino. Kung tutuusin sa ibang bansa tulad ng Amerika ay hindi naman ito gaanong pansin ng mga tao doon.  Mas kilala ang World of Warcraft doon. Paniguradong darating ang panahon at may papalit na bagong laro na mas kahuhumalingan naming mga kabataan. Walang masama sa pagkakalulon dito dahil kahit noong bago pa man ito sumikat ay nauna nang kinaadikan ang mga Brick Game at Game and Watch ng mga mas nakatatanda.

Sana lang ang pagkahumaling naming ito ay hindi makaapekto sa kalidad ng aming pagtatrabaho at panananaw sa buhay. Na hindi lahat ng pagkakataon sa buhay ay may rematch. Na ang pagkapanalo ay hindi nadadaan sa isang madugong trash talk at higit sa lahat hindi mo pwedeng laging sabihin na GG na sir.

sa panulat ni: Julius Renomeron Jr.
About these ads

37 thoughts on “Kabataang Pag-asa ng Bayan sa Panahon ng DotA (Talumpati sa panulat ni Julius Renomeron Jr.)

  1. imba ka bro!!… hahaha.. tol peram n2ng talumpati mo.. gamitin ko sa project nmin in filipino1.. xD!.. mnsan rin kac qng naging adik n2..

    thanks!.. ^GG^

      • Busy sa dota yan kaya di makagawa at trip na lang gamitin utak ng iba. haha.
        Hindi ko rin sya kilala. Pero libre comment naman, yes? :)

        Anyway, yung ibang net cafe, selfish. Ok lang for them na mawasak kinabukasan ng mga bata, as long as kumikita sila. Hindi nila fully kasalanan na nagdodota students sa oras ng klase, pero may kasalanan pa rin sila.

        Ano nga pala meaning ng GG? At ano ang imba? I know it’s “imbalance” pero di ko digs kung kelan dapat sinasabi yun.

      • Haha oo baka nga. Feel free na magcomment :P

        Agree, well that’s business. Hindi nga ren naman kasi sila kikita at mostly na suki ng comp shops are students. Bakit nga naman nila tatanggihan ang pera and I think mahirap siyang maregulate lalo sa panahon ngayon na sobrang lahat naiaasa sa computer.

        GG – Good Game
        Imba parang synonym naren ng malakas or malupet.

  2. Strong hold ka po ser., nagresearch ka po yata dyan ..lupet nang banat nang talumpati mo …hahahah lupet awts……………….m dami siguro natamaan dyan pag kumalat yan because sa pinas pinakamaraming nag dodota>>…
    hahahah
    Isa na ko dun ….,

  3. ..hmp!! d dpat cchin ung mga net cafe or mga computer shop qng naaadik mga kabataan ngaun sa DOTA, it’s their choice,,and besides dpende ‘yn sa knila,,aq nglalaro aq ng dota but i c to it na mas nauuna studies kesa sa knya..hehe..

    raine:))

  4. tama!
    lahat naman ng sobra masama, kea mag DOTA, TV or INTERNET ng sakto lang.. :)
    ganda po ng sinulat mo! thmbs up! :)

  5. hi!! found your essay a very good one :)) just wanna ask permission kung pede kong gamitin to sa Research Paper ko for Fil12.. Don’t worry, credits and proper acknowledgements are way up :))) Thanks..ganda kasee :))))

  6. nakz..pa free comment
    Dre…kuha lang ako ng idea sa TALUMPATI mo….,,and i think i got alot of idea here…at yours..^^thanks

  7. hello po.. maganding gabi.. napapanahon na kasi sa amin na mag talumpati orally in our class.. i just want to ask permission if i could use it? hindi po para ipangalan sa akin na ako ang gumawa kundi i-recite ang gawa mo.. we are tasked to search in the internet din po.. and then i found it interesting especially marami akong patatamaan sa klase sa martes.. hehehe.. at tska UST po kayo? kakatake ko rin po ng entrance exam para UST kanina.. siguro it meant to be na makita ko to.. hehehe
    thanks po in advance..
    joessa po ng SURIGAO 4th year high school

  8. tol, nais ko sanang humingi ng permiso, upang manghiram ng iilang mga nakasulat na pahayag na ginawa mo. para gamitin ko sa aming pamanahong papel… wag ka pong mag alala dahil ilalagay ko naman ang pangalan mu bilang pag kilala sa orihinal na may akda…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s